Mamimiss kita Kuya Ren-Ren

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakasama kita kahit sa sandaling panahon lang. Naalala mo pa ba na umaakyat ka pa sa bahay nila Papa para sabay tayo kumain.

O kaya naman yayain mo ako sa inyo para makapaglaro tayo. Masaya ako sa tuwing kasama kita at tayo ay naglalaro. Naalala ko pa nung pumunta ka sa 3rd birthday ko sa Jollibee, ang saya saya natin nun.

Gusto ko magpasalamat sa kabutihang pinakita mo sa akin. Salamat sa toys na binigay mo, sa mga damit na pinamana mo sa akin. Sigurado, lagi kitang maalala pagsuot ko ang mga yun. Kuya Ren-ren, sobrang lungkot ko nung nalaman ko ang nangyari pero sabi ng Mommy ko kasama mo na daw si Papa Jesus, kaya kahit papano okay na rin ako. Sabi pa nya isa ka ng anghel ngayon at babantayan mo kame parati. Sabi ko kay Mommy ko, hindi na matutupad ang pangarap kong makasama ka sa 7th birthday party ko pero sabi nya pupunta ka pa rin daw un nga lang hindi ka naming makikita. Aasahan kita dun ha, makikiparty ka pa rin sa amin ha.

Kuya Ren-Ren, Mahal kita at MAMIMISS KITA!