Paalam!

O si  Lola Agre. Lahat kaming mag kakapatid at magpinpipnsan ay lumaki sa luto ng Lola ko na champorado at sopas. Hindi ka taga sampalucan kung hindi mo pa natikman yung tinda ni Lola …Naalala ko tuloy ang Lola, siya ang unang nag sama sa akin sa palengke…4 am aalis na kami dadaan sa Lola Monang para mag pansit at kape bago mamili sa blumeritt ng pangchamporado at sopas. Nagtitinda rin ang Lola ng manga,santol,at pinya na sasamahan ng bagoong na siya mismo ang ng luto. Isa pa sa mamimiss ko eh yung suman na luto nya pag mahal na araw.Puro pagkain yung naiisip ko pag si Lola Agre ang pinag uusapan ganyan sya kasarap mag luto.

Pero alam nyo ba isa sya sa mga sumuporta sa akin nung ako ay nasa college. Pag wala akong pambaon sa school lalapit ako sa Lola, una sasabihin nyan wala syang pera pero after 3 mins dudukot na yan sa bulsa lalabas yung panyong nakabuhol na nagsisilbing wallet nya sabay abot sa akin…ha ha ha.Lola na kakamiss ka talaga.Salamat po sa mahabang panahon na pagsama sa amin at pag gabay. Inspirasyon po naming kayo.

Siguro nga po ay oras na para kayo ay makapagpahinga….Matagal na kayong inaabangan ng Lolo Gorio(Gorio delo Santos), Tiyo Mely(Melencio Turingan) at Mang Kiko(Francisco Rivera)sa wakas kumpleto na players ng pekwa/domino.ha ha ha…. Hinihintay na din po kayo ng matalik nyong kaibigan o bff  na si Lola Isyon (Isyon Apo).. dati pag kayo nag uusap talo nyo pa nagsisigawan kasi hindi na kayo magkarinigan pero kahit ganun lagi pa rin kayo nagkwekwentuhan, bestfriend forever talaga…Sasalubungin din po kayo ng mga kapatid nyo, Lola syon(Syon dela Cruz) at ng Lola Monang.(mga Lola’s isa lang po request naming apo nyo patuloy nyo pong palakasin si Lola Orang). Lola Agre makakasama nyo na rin si Tita Tesie(Andak) at ang Kuya Felicing…(sigurado ako marami kayong pagkwekwentuhan).Sakto na rin yung magtatatlong dekadang paghihintay ng Lolo Martin para kayo’y muling magksama.

Mapalad talaga kaming mga apo nyo na nagkaroon kami ng isang Lola na katulad nyo mabait, maalalahanin at mapagmahal.Nagpapasalamat din ako kahit sa maikling panahon eh napakilala ko kayo sa anak ko na si Jhay-Jhay na apo nyo na sa tuhod.Lagi namin kayong ipagmamalaki sa mga susunod pangmagiging miyembro ng Castillo clan…

Salamat kay Marife na unang nag alaga sa Lola,sa Kuya Idong at Ate Rita na sinamahan ang Lola hangang sa huli,sa Ate Hermie, Ate Jheng at Ate Meldie na walang sawang sumuporta sa Lola.Salamat sa lahat ng kamag anak at kaibigan ni lola agre na tumulong at dumamay sa kanya…

Mahal na Mahal ka namin, LOLA AGRE!!  Hindi ka namin makakalimutan…

In loving memory of Agrepina Castillo (1916 – 2011)


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

9 Responses to “Paalam!”

  1. Ate Mikee says:

    awts . naiyak naman ako kuya .. nakakalungkot pero ganyan talaga , Life goes on. wish ko lang masaya si lola kumg na saan man sya . GODBLESS US ALL ! MAGMAHALAN NA LANG TAYO BUONG PAMILYA .

  2. raquel says:

    to lola agre,

    salamat po sa lahat ng pag gabay at pagiging thoughtful nio saming lahat…nakakalungkot lang po at wla aq jan para mkasama ka sa huling sandali,,pero aq nman po ay natutuwa na khit papano eh nakita kita bgo tau naghiwalay,,mahal na mahal ka po nming lahat at sana ay patuloy nio kmeng gabayan sa araw araw,,at sna po ay ihalik nio na din kme sa nanay tessie na sobrang miss na rin po nmin,,sna po kaung lahat ay masaya at payapa na sa piling ng ating Maykapal,,,love u lola agre!

  3. John martin says:

    La, salamat sa npkaraming bagay sa mga msasaya at mlulungkot n pngsamahan ntin.. Alam ko khit wla kna lage k pdn nsa tbi ko pra gbayan…mlungkot lng kc hindi kita nkksama ngaun sa burol mu at isa p hinde k tumupad sa usapan ntin ..pero sa kbila ng lhat alam ko nmn msaya kn at pyapa sa bgo mung lndas,,la plage k sa puso ko mamimiss ko ang mga pag sigaw mu sa pngalan ko araw araw khit wla ako jan…wag mu nlang po sana iparinig ngaun hehehe…. Mahal na mahal kita lola agre ptwad dn sa mga nging pgkukulang nmin sau..

  4. hay grabe sobra aqng naiyak d2 s nbsa ko,..
    lola agre sobrng mami2z k nmen d nmn mka2limutan,,
    kme ng mga pinzn q n plge kmakain ng chaporado at sopas s inyo n kht plging utang gngwa nmen eh d kau nagsa2wa n pautangin kme,..sna lola mkpgphinga kna jn at msya n kzma ng mga kptd mo at lola ikmzt u n rin ako sa pinzn nmen n c ate lanie pksv sobrng miz na2min sya,..lola mhal n mhal k nmen sna lola wag mo pbayaan ung kptd nya n c lola orang sana gabayan nyo sya at plaksin pa,..kmeng lht n ngma2hal sau wag mong klimutan n gabayan,..mami2z k nmen sobra

  5. ngaun lola agre alm mong mraming nagma2hal sau kc marame pmupnta ngaun sau at naaala2 ka pa,..kc sobrng bait mo,..ngaun ung last nyt kya mki2ta mo ung lht ng magma2hal sau,…lam mo lola agre mami2 nmen ung ung dati pg nagwa2la k dhl kla mo sa tindahn ni momy zen c sa anak mong c idong at ung plge kng gcng sa mdaling arw 1am plng nkaligo kna dhl nga kla mo umga n,,n kung anu2 cnsv mo n pu2nta k ng ilong o sa kubo dhl nandun ung mga dm8 mo,..lht un lola mami2z ko,..wel luv u lola agre,..

  6. mark castillo says:

    la nabanggit n nla lhat ng magandang nangyari at gnawa nio sa aming lhat!1 itong malaking ispirasyon sa aming buhay!marahil sa inyong paglisan hinding hindi amin k u malilimutan!we love u lola!!!

  7. meldie santos says:

    lola agre cnabi n nilang lahat.kya wla n kong mssabi naubos n.isa lng nkalimutan ni mj ang singkamas mo n masarap. nallungkot lng ako kc wla ako ng mngyari yan syo.ndi man lng kita nkita s huling sandali mo. ma mmiss kita la.mahal n mahal k nmin ndi k namin mkkalimutan.dahil kming lahat n apo mo ay lumaki n may partisipasyhon mo at gaby mo.lalo n ung mga apo mong lagi humihingi ng pera at baon syo….hahaha..we luv u..we miss u…lola agre…….ummmuah….ummmuah…..

  8. annie castillo says:

    lola aqre .. salamat sa lahat lahat nq 2lonq mu smen mqa apo mu .. sana kunq nasan ka man nqaun mqa inqat ka sana yan aq tanqinq dasal nq pusonq naqiisa . HAHAHA kinantahan si lola :D mamimis ka namin lola nq sobra.sobra promis yan ..ndinq . ndi ka namen makakalimutan .. kamusta mu po aq kay nanay tess na sobranq miss na miss cu na cia :( sana lola kahet wla kana sana andian ka pa din para qabay mu kamenq lahat na naq mamahal sau nq sobra . sobra .. we love you and we will miss you so much

  9. anna-liza gajudo buza says:

    la,alam ko nasabi na nilang lahat….para sakin ikaw at ang lola entang ang masayang lola na dumating sa buhay namin.hinding hindi ka namin malilimutan .dahil nakaukit ka sa puso namin habang kamiy nabubuhay!we love u lola agre!we will miss u so much!

Leave a Reply