

O si Lola Agre. Lahat kaming mag kakapatid at magpinpipnsan ay lumaki sa luto ng Lola ko na champorado at sopas. Hindi ka taga sampalucan kung hindi mo pa natikman yung tinda ni Lola …Naalala ko tuloy ang Lola, siya ang unang nag sama sa akin sa palengke…4 am aalis na kami dadaan sa Lola Monang para mag pansit at kape bago mamili sa blumeritt ng pangchamporado at sopas. Nagtitinda rin ang Lola ng manga,santol,at pinya na sasamahan ng bagoong na siya mismo ang ng luto. Isa pa sa mamimiss ko eh yung suman na luto nya pag mahal na araw.Puro pagkain yung naiisip ko pag si Lola Agre ang pinag uusapan ganyan sya kasarap mag luto.
Pero alam nyo ba isa sya sa mga sumuporta sa akin nung ako ay nasa college. Pag wala akong pambaon sa school lalapit ako sa Lola, una sasabihin nyan wala syang pera pero after 3 mins dudukot na yan sa bulsa lalabas yung panyong nakabuhol na nagsisilbing wallet nya sabay abot sa akin…ha ha ha.Lola na kakamiss ka talaga.Salamat po sa mahabang panahon na pagsama sa amin at pag gabay. Inspirasyon po naming kayo.
Siguro nga po ay oras na para kayo ay makapagpahinga….Matagal na kayong inaabangan ng Lolo Gorio(Gorio delo Santos), Tiyo Mely(Melencio Turingan) at Mang Kiko(Francisco Rivera)sa wakas kumpleto na players ng pekwa/domino.ha ha ha…. Hinihintay na din po kayo ng matalik nyong kaibigan o bff na si Lola Isyon (Isyon Apo).. dati pag kayo nag uusap talo nyo pa nagsisigawan kasi hindi na kayo magkarinigan pero kahit ganun lagi pa rin kayo nagkwekwentuhan, bestfriend forever talaga…Sasalubungin din po kayo ng mga kapatid nyo, Lola syon(Syon dela Cruz) at ng Lola Monang.(mga Lola’s isa lang po request naming apo nyo patuloy nyo pong palakasin si Lola Orang).
Lola Agre makakasama nyo na rin si Tita Tesie(Andak) at ang Kuya Felicing…(sigurado ako marami kayong pagkwekwentuhan).Sakto na rin yung magtatatlong dekadang paghihintay ng Lolo Martin para kayo’y muling magksama.

Mapalad talaga kaming mga apo nyo na nagkaroon kami ng isang Lola na katulad nyo mabait, maalalahanin at mapagmahal.Nagpapasalamat din ako kahit sa maikling panahon eh napakilala ko kayo sa anak ko na si Jhay-Jhay na apo nyo na sa tuhod.Lagi namin kayong ipagmamalaki sa mga susunod pangmagiging miyembro ng Castillo clan…

Salamat kay Marife na unang nag alaga sa Lola,sa Kuya Idong at Ate Rita na sinamahan ang Lola hangang sa huli,sa Ate Hermie, Ate Jheng at Ate Meldie na walang sawang sumuporta sa Lola.Salamat sa lahat ng kamag anak at kaibigan ni lola agre na tumulong at dumamay sa kanya…

Mahal na Mahal ka namin, LOLA AGRE!! Hindi ka namin makakalimutan…

In loving memory of Agrepina Castillo (1916 – 2011)
